Progreso Sa Magkabilang Dulo Ng Ibaan

June 27, 2016

Parehong naghahangad na matulungan ang iba’t ibang sektor ng pamayanan, kanya-kanyang proyekto ang magkabilang dulo ng pulitika sa Ibaan.

Noong Hunyo 24, ipinagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng Enhancement and Reaffirmation of Paternal Capabilities o mas kilala sa tawag na ERPAT. Miyembro nito at may kanya-kanyang chapter ang bawat barangay ang mga TATAY ng bawat pamilyang Ibaeno. Dito, nabigyan ng dagdag puhunan matapos makapagsumite ng mga requirements ang 12 barangay chapter ng ERPAT para sa kanilang mga livelihood programs. Umaabot din umano sa P700,000.00 ang kabuuang pondo na inilalaan ng pamahalaang bayan ng Ibaan para sa iba’t ibang proyekto. Ito ay sa pamumuno ni Mayor Danny Toreja na muling nahalal para sa kanyang huli at ikatlong termino bilang Punong Bayan ng Ibaan. Nakalaban niya si dati ring Mayor na si Reming Hernandez.

Nauna nang tinalo ni Mayor Danny Toreja si Reming Hernandez noong 2010. Si Sixto Yabyabin ang katambal ni Mayor Danny Toreja noong 2010, habang si Rosal naman mula sa Brgy. Matala ang katambal ni Reming Hernandez. Ngayong 2016, muling tinalo ni Toreja si Hernandez na nakatambal naman si Joy Salvame. Hindi pinalad na manalo si Sixto Yabyabin para sa huli at ikatlo niyang termino bilang Vice Mayor. Tinalo siya ni Joy Salvame.

Sa kabilang dulo naman, sa pangunguna ng bagong halal na Vice Mayor ng Ibaan na si Joy Salvame na siya ding nagmamay-ari ng Ibaan Electric, nagsagawa naman sila ng pagsasanay para sa paper crafts na dinaluhan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay. Ang mga larawang ito ay kuha ni Gng. Mylen Jaen Magtibay na asawa ni Claro Magtibay. Kumandidato bilang Konsehal ng bayan si Claro sa ilalim ni Joy Salvame nitong nagdaang May 2016 Election. Hindi siya pinalad na magwagi.

Maaaring patuloy nating makikita ang giriang pulitikal ng grupo ni Mayor Danny Toreja at Vice Mayor Joy Salvame. Ganun din ang kanilang patuloy na kompetisyon sa kung sino ang mas magaling pagdating sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Sa ating pagtataya, dalawang bagay ang maaaring maging epekto nito sa bayan ng Ibaan. Una, mabuti sapagkat magkakaroon ng kanya-kanyang programa ang magkabilang panig para sa kapakinabangan ng mamamayan. Pero sa pangalawa, maaaring hindi maganda. Sapagkat magpapatuloy naman ang kawalan ng pagkakaisa ng dalawang kampo. At maaapektuhan ang ilan sa mga pangkalahatang programa ng pamahalaang bayan ng Ibaan. Ganun ang pagkakaroon ng girian sa pagitan ng ehekutibo at lehislatibo.

Sa huli, umaasa tayo na pangkalahatang kapakanan ng mamamayan ang makikinabang.

_________

Partido Makabayan Ng Ibaan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s