Operation TOKHANG: Kulay Pulitika Ng Droga Sa Ibaan

July 11, 2016

Sa pagkapanalo ni Duterte bilang Presidente ng Pilipinas, dala niya ang banta laban sa mga drug lords, drug pushers, at drug users. Kaya naman May 10 pa lang, sunod-sunod na ang mabilasik na kampanya ng pulisya laban sa mga ito. Kanina sa TV Patrol, balita na umaabot na sa higit 200 ang napapatay sa operasyon ng kapulisan laban sa mga personalidad na may kinalaman sa droga.

Sumunod na eksena ang pagsuko ng libong drug addict at drug pushers sa iba’t ibang bayan. Marami ang natuwa. May mga nasaktan din naman dahil sa nawalan sila ng kapamilya.

opration tokhang dona lagsac caren real 3

Ilang kumento sa video ni Ibaan MPS PSI Ricaredo Dalisay tungkol sa Operation TOKHANG na kanyang ipinatutupad sa Ibaan, Batangas.

Sa Ibaan, nitong nagdaang buwan, sinimulan na rin ang “Operation TOKHANG”. Ito ay halaw sa dalawang salita ng Bisaya – toktok o katok, at hangyo na ibig sabihin ay pakiusap. Ipinatupad ito ng napiling PNP Chief ni Duterte na si 4 Star General Ronald “Bato” Dela Rosa na ayong sa kanya ay magiging madugo ang kanyang kampanya laban sa droga. Syempre pa, ipinatupad din ito sa Ibaan.

Ang sistema, ayon kay Ibaan MPS Chief PSI Ricaredo Dalisay, una muna siyang nakipag-usap sa mga opisyales ng barangay at iba pang community stakeholders at humingi ng listahan ng mga alam nilang drug pushers at drug users. Kapag nakuha na nila ang mga pangalan, isa-isa nila ang mga itong pupuntahan (katok), at pakikiusapan (hangyo) na sumuko o tumigil na sa kanilang ginagawa.

Kung titingnan, ang kanilang “pakiusap” ay nagsisilbi nang babala. Kung hindi man sila sumuko, hindi naman ibig sabihin nun ay awtomatiko na silang aarestuhin at ikukulong.

Aarestuhin lamang sila kung maaaktuhan sila na nagtutulak o gumagamit ng droga sa ibang pagkakataon. At kung manlaban at umabot sa putukan, dun mapipilitan ang pulisya na gumamit din ng kanilang baril laban sa kanilang aktong nahuling drug pusher o drug addict.

Ang isa pa, kung sumuko naman ang isang pusher o addict, dadaan sila sa programa ng rehabiiltasyon kasunod ng panunumpa na hindi na sila muling gagamit o magtutulak ng droga. Pero kung sumuko at nanumpa man sila, at nagpatuloy sa kanilang gawain, at naaktuhan ng pulisya, doon pa sila talagang huhulihin bilang isang indibidwal na lumabag sa batas, lalo na pagdating sa droga.

Are namang ilan natig mga kababayan, kinukulayan pa ng pulitika ang ginagawa ng pulisya. Na kapag kakampi daw sa pulitika, bagama’t hindi direktang sinasabi an si Mayor Toreja ang kanilang pinatutungkulan, e hinahayaan daw ng pulis na manatiling “laya” ang mga pusher/addict.

operation tokhang dona lagsac caren real 1

opration tokhang dona lagsac caren real 2

Ngayon, kung nasabi nila na “kapag kakampi sa pulitika”, ibig sabihin, alam nila kung sino ang pusher/addict sa kanilang lugar.

Kasama sa Operation TOKHANG ang panawagan para sa kooperasyon ng lahat. Kung mayroon silang nalalaman na pusher/addict, mas makabubuti kung ibibigay nila sa pulis ang pangalan para “makatok” at “mapakiusapan”.

Kung minsan, kahit na ang isang tsismosa, may nakahandang ebidensya sa mga ipinagkakalat nilang balita. Pero kung wala naman silang maitatayong patunay sa kanilang mga sinasabi, dyan tayo nagkakaproblema.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s