Sangguniang Bayan ng Ibaan, Batangas 2013 – 2016

Darating ang panahon, makakalimutan natin ang mga tao na minsang naglingkod sa atin at sa bayan ng Ibaan, Batangas bilang miyembro ng Sangguniang Bayan. Subalit sa pamamagitan nito, mananatili ang kanilang pangalan bilang opisyales ng bayan na inihalal ng mamamayan.

Maaring mayroon tayong alam at hindi alam sa kanilang mga kwento. Pero ano pa man yan, huwag nating kalimutan na naging bahagi sila ng ating pamahalaan. At kung ano man ang kanilang nagawa para sa bayan, depende na yan sa ating paniniwala at interpretasyon kung paano nila ginamit ang kanilang panunungkulan.

Hindi natin matantya ng may isaandaang porsyento ang kanilang pagkakasunod-sunod base sa bilang ng boto na kanilang nakuha. Pero sa ating pagkakaalan, ganito ang kanilang posisyon at ranggo bilang konsehal ng bayan:

Vice Mayor Sixto Yabyabin – nasa kaniyang ikalawang termino

  1. Kon. Juvy Mendoza – nasa ikalawang termino
  2. Kon. Anotonio Benitez – nasa ikatlo at huling termino
  3. Kon. Paul John Chua – nasa ikalawang termino
  4.  Kon. Venus De Castro – nasa unang termino
  5. Kon. Israel Blanco – nasa huling termino
  6. Kon. Rodel De Castro – nasa ikalawang termino
  7. Kon. Socrates Arellano – nasa ikalawang termino
  8. Kon. Salustriano Portugal – nasa ikatlong termino
  9. ABC President Jose Bicol

Sa isang banda, sa mga konsehal na nanungkulan, mabuti rin siguro na matanong natin sila kung mayroon ba silang nagawa para sa mga sektor o komitiba na naiatas sa kanila na pamunuan. Mayroon dito na ngawa ng ngawa pero walang nagagawa para sa kanyang sektor na dapat pagtuunan ng pansin. Ni hindi nakabuo ng isang matibay na programa para sa kanyang sektor. Sa halip ay nakikisakay na lamang sa programa na binuo ng ehekutibo para sa sektor na dapat sana ay siya ang gumawa. Yung tipong, kapag oras na ng palatuntunan para sa programa, darating lamang para magpa-picture at magsalita gayung wala namang ginawa sa panahon na isinasaayos ang programa. Ang natin dyan: FAME WHORE!

Mayroon naman dito na ginawa ang trabaho para sa kanyang sektor pero naging negatibo naman ang dating sa nasabing sektor.

Nakakatawa din minsan ang mga taga Ibaan. Kuntento na kapag ang kanilang konsehal ay kanilang nakakainuman o pumupunta sa kanilang okasyon sa bahay. At tuwang tuwa kapag ang kanilang konsehal ay nahingan nila o nagbigay ng kung ano- ano lalo na sa panahon ng soliticitation. Nakakatawa na tila naiintindihan ng mga mamamayan ang tungkulin na dapat ginagampanan ng isang konsehal base sa itinadhana para sa kanila ng batas.

Mayroon din naman na talagang masipag sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Pero hindi naman nalalaman ng mamamayan dahil na rin sa kanyang pagiging “mailap” umano sa mata ng publiko. Kung minsan, kung sino ang walang nagagawa bilang konsehal pero “visible” sa publiko, iyon ang minamahal at bida sa tao. Pero ang opsiyales na gumagawa ng kanyang trabaho pero hindi nakikita sa publiko, iyon naman ang “walang nagagawa” para sa isipan ng mga tao.

Alam natin na hindi ganung kayaman ang bayan ng Ibaan tulad ng Lipa City o Batangas City. Pero mas mapapabilis sana ang ating pag-unlad kung ang mga konsehal ay kaagapay ng ehekutibo sa pagsasagawa ng programa at proyekto na kapaki-pakinabang sa tao. Ang siste, ni isa siguro sa mga konsehal na ito ay walang nagawang pakikipag-ugnayan sa labas ng bayan tulad ng pakikipag-usap sa mga malalaking pribadong kumpanya at mga ahensya upang makapag-dala o makapagtayo ng negosyo sa bayan ng Ibaan, o kahit man lang isang programa na makakapagbigay benepisyo  sa mamamayan. Sa huli, isisisi lahat sa ehekutibo ang anumang kakulangan sa bayan ng Ibaan.

Tanong: Sino sa kanila ang may naisagawang pangkabuhayang pagsasanay para sa kanilang sekto na nasasakupan. Ganun din, sino sa kanila ang may naisagawang medical mission para sa libreng gamot at konsultasyon para sa mamamayan. Idagdag pa natin, sino sa kanila ang may kinausap na mga pribadong kumpanya upang hikayatin na mamuhunan sa Ibaan.

Partikular na trabaho ng konsehal ang gumawa ng batas para sa bayan. Tungkulin ng lehislatibo na timbangin, suriin, at suportahan ang programa ng ehekutibo. Pero higit pa riyan ang kanilang dapat sanang isinagawa bilang miyembro ng Sangguniang Bayan dahil sa mayroong nga sektor na dapat nilang suportahan at pangalagaan.

0 VICE MAYOR SIXTO YABYABIN 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS1 COUNCILOR JUVY MENDOZA 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 12 COUNCILOR ANTONIO BENITEZ 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 13 COUNCILOR PAUL JOHN CHUA 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 14 COUNCILOR VENUS DE CASTRO 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 15 COUNCILOR DAEL BLANCO 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 16 COUNCILOR SOCRATES ARELLANO 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 17 COUNCILOR RODEL DE CASTRO 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 18 COUNCILOR SALUSTIANO PORTUGAL 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 1ABC PRESIDENT JOSE BICOL 2013 2016 PARTIDO MAKABAYAN NG IBAAN BATANGAS 1

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s