Discount Ni Joy Salvame Para Sa Ibaan Electric

Pangunahin sa isinisigaw kuno ni Vice Mayor Joy Salvame ay ang kaunlaran ng Ibaan, ganun din ang tamang paggamit ng pondo ng bayan. Ito ang kanyang tinuntungan upang harangin ang pag-apruba ng Ibaan Annual Investment Plan at Annual Budget 2017. Kasama niya sa kanyang grupo sina Cesar Marasigan, Mati Guerra, Juvy Mendoza, at Edward De Castro. 

Alam ng lahat na pagmamay-ari ng pamilya ni Joy Salvame ang Ibaan Electric. Tama na malaki talaga ang naiitulong ng Ibaan Electric dahil sya lamang ang nakakapagbigay ng kuryente sa bayan ng Ibaan. Isa itong malaking negosyo na malaki rin ang maiibigay na kontribusyon sa kaban ng bayan sa aspeto ng buwis tulad na lamang ng business permit. 

Business permit ba kamo? 

Nalalaman ba ninyo na halos isang taon na hindi nag-renew ng business permit si Joy Salvame ng Ibaan Electric? Dalawang taon pa nga yata. 

Mula sa kasagsagan ng kampanyahan para sa eleksyon nitong mga unang buwan ng taong 2016, pagpasok ng January 2016 na panahon ng pagre-renew ng business permit, hindi siya nagrenew para sa Ibaan Electric. Bagay na hindi ginamit na isyu ng kampo ni Mayor Danny Toreja sa panahon ng eleksyon. 

At natapos nga ang eleksyon. Nanalo si Joy Salvame bilang Vice Mayor ng bayan ng Ibaan. At lumipas ang mga buwan ng Mayo hanggang Disyembre 2016. 

Pagpasok ng January 2017, hindi pa rin siya nagrenew ng business permit para Ibaan Electric. Ito rin ang panahon ng mga debate para sa kanilang iba’t ibang dahilan upang hindi nila pirmahan ang AIP at Annual Budget 2017. 

Bandang kalagitnaan ng February 2017, sa maniwala kayo at sa hindi, umakyat si Joy Salvame sa opisina ng Punong Bayan at nakipag-usap kay Mayor Danny Toreja. Alam nyo ba kung kanyang pakay? 

NAKIPAG-USAP SI JOY SALVAME KAY MAYOR TOREJA AT HUMINGI NG 50% DISCOUNT UPANG MABAWASAN ANG PENALTY NA NAIPATAW SA IBAAN ELECTRIC DAHIL SA HALOS ISA O DALAWANG TAON NITONG HINDI PAG-RENEW NG BUSINESS PERMIT! 

Siguradong mayroong magsasabi na “baka naman sobrang laki ng penalty at pinulitika na ni Mayor ang penalty”. Ang penalty na naka-charge ay naaayon sa batas at ordinansa ng mga nagdaang Sangguniang Bayan. 

Sa kanyang paghingi ng discount, nagmistula pa na ibina-bargain niya ang kanyang 50% discount kapalit ng pagpirma ng kanyang grupo upang maaprubahan na ang AIP at Annual Budget 2017. 

Alam kaya ito ng kanyang mga kasamahan na sina Cesar Marasigan, Juvy Mendoza, Mati Guerra, at Edward De Castro na mga sumisigaw din ng kaunlaran para sa bayan ng Ibaan? Alam kaya nila ginawa ito ng kanilang “inahin”? 

Ngayon, sa ginawa ni Joy Salvame na paghingi ng 50% discount, tumutugma ga ito sa kanyang sinasabi na nais niya ng kaunlaran para sa bayan ng Ibaan gayung siya mismo ang hindi o ayaw magbigay ng tamang halaga na nararapat niyang ibayad upang makadagdag sa kaban ng bayan mula sa kanyang negosyo na Ibaan Electric? 

Tamang halaga naman kaya ang kanyang idineklara na kita ng Ibaan Electric sa buong taon na siyang basehan ng pagcompute ng Business Permit Fee at penalty?

Kung ganito ang kanyang ginagawa, paano na kung sakali na maging Mayor siya ng Ibaan? Baka hindi na sya magbayad ng business permit para sa Ibaan Electric hàbang kumikita ito ng milyun-milyon mula mamamayan ng Ibaan. 

Sa isang banda, di ga nga sumisigaw siya ng kaunlaran at ang gusto ay dapat mayroong investment sa Ibaan. Sino ga ang kikita at makikinabang kung magdatingan nga ang mga investor? Sino ga sa tingin nyo ang mas makikinabang, taga Ibaan baga o ang kanyang Ibaan Electric? 

Sino kaya ang naaambunan?

Sa inyong palagay, ano ga ang motibo niya at namumulitika siya sa Ibaan? 

Maituturing ba natin siyang isang makabayan para sa bayan ng Ibaan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s