Bakit Walang Jollibee Sa Ibaan?

Lahat tayo napahilig sa pritong manok na pinagulong sa “breading”, tinapay na may palamang pinikpik at binilog na karne at gayat gayat na pritong patatas. Maraming pagkakataon na para tayong laway na laway dito. At para sa marami, hindi kumpleto ang araw pag hindi nakakain o nakalanghap man lang ng mga ito.

Ganyan ang kapangyarihan ng Jollibee at iba pang food chains. At tila nasa ilalim na rin ng kapangyarihang ito ang mga kababayan ko sa Ibaan. Dahil halos naging bukang-bibig na nila ang pagtatanong kung bakit walang Jollibee sa Ibaan kumpara sa bayan ng Rosario na bukod sa Jollibee ay mayroon pang McDonalds at Mang Inasal. Nakakainggit ano? Nakakapasal ng manok.

Iyang isyu na iyan ay siya atang pinagtumpukan ng mga tao kaya nanalo ang grupo nina VM Joy Salvame at mga kabuntot na sina Kon. Cesar Marasigan, Kon. Juvy Mendoza, Kon. Mati Guerra, at Kon. Edward De Castro. Kunsabagay, tunay naman na wala ngang Jollibee sa Ibaan.

Ay baken ga nga walang Jollibee sa Ibaan? Maka-eksena nga ng kaunti sa isyung are.

Sabi ng DILG, tinatayang higit sa 53,000 na ang populasyon ng Ibaan noong 2015. Ipagpalagay naman natin na 60% sa mga ito ang regular, o sabihin natin natin na “stable” nang kumikita. Yung 40% ay ibilang natin dyan ang mga bata, mga estudyante, mga senior citizen, at iba pang hindi kumikita, o kung kumikita man ay talagang maliit laang. Ay di ang 60% au halos 31,800 na tao.

Balikan ko lang ng kaunti. Yung 53,000 na iyon ay hindi naman lahat nakatira sa Ibaan. Dahil mayroon namang ang deklarasyon at rehistro ay taga Ibaan, pero nasa ibang lugar dahil nagtatrabaho, nag-aaral, o nandun ang pamilya. Pero tunay naman na taga Ibaan. Di ga e mayroon ngang ganun. Kung magkagayun, maaring mas mababa pa sa 31,800 ang sinasabi nating 60%.

Magkano naman ang prangkisa ng isang Jollibee Store? Ayon sa http://www.jollibee.com.ph/investors, ang kanilang prangkisa ay mula P30 milyon hanggang P40 milyon, depende sa laki ng store. At kung nakakaisip ka magtayo ng Jollibee sa Ibaan, garine ang halagang sisimsimin sa bulsa mo ng kumpanya. Malaki-malaking bawiin din yan.

Ilagay na lang muna natin sa konserbatibong anggulo. Dun na laang muna tayo sa P30 milyon. Tutal maliit lang naman ang Ibaan kung saka-sakali may makaisip magtayo nito.

Sa halagang P30 milyon, kung ikaw ang makaisip na mag-invest para sa isang Jollibee sa Ibaan, gugustuhin mo ga na ang “balik-puhunan” mo ay sampung taon? Yun  “Return Of Investment” kumbaga. Hindi siguro. Mas pabor ka siguro sa limang taon ano?

At kung limang taon ang “balik-puhunan”, samakatwid ay P6 milyon ang kailangan na kita sa isang taon. Diinan natin ng kaunti kabayan. Ang P6 milyon ay dapat ang iyong kita o tubo. Dahil balik dapat yun ng kapital, at hindi kasama ang mga expenses o mga gastos ng operasyon. Ay sa kuryente na nga laang, pag sa Ibaan iyan, ay di baka abutin ng P50,000.00 hanggang P100,000.00 ang kuryente. Pag Ibaan Electric ga naman. Susme.

Syempre ikakarga naman ang kuryente sa mga parokyanong mahilig sa manok. At kung ikaw nga ang mamumuhunan, papayag ka ga naman na ikaltas pa ang P100,000.00 na kuryente sa tubo mo? Malamang sa hindi. Aywan ko laang.

Di ga kanina sabi natin eh P6 milyon kada taon ang kailangang kita para mabawi ang P30 milyong puhunan sa loob ng limang taon. Tubo iyon dapat, di ga? Ay paano ang operational expenses? Hindi ka naman kikita ng P6 milyon kung hindi gumastos ng malaki. Kung yun ang siste, ilagay na natin sa P12 milyon ang kailangang kabuuang kita sa isang taon. Iyon ay 50% net profit, at 50% total expenses.

Kung P12 milyon ang dapat na benta sa isang taon, ay di P1 milyon dapat ang benta kada buwan sa loob ng isang taon. At kung P1 milyon kada buwan, ay di higit kumulang P33,300.00 ang dapat na benta bawat araw. Iyan ay sa 30 araw kada buwan.

Balikan naman natin ang nabanggit kanina na 60% na populasyon ng Ibaan na sinasabi natin na mayroong “stable income”, yung regular na may kinikita. Sa kwentada natin kanina, yung 60% ay nasa 31,800 na tao. At kung kailangan ng Jollibee ng P33,300.00 na benta kada araw, dapat ay gagastos ang 31,800 na tao sa Ibaan ng mahigit sa P1,000.00 araw-araw. Yung tipong everyday e bibili sila ng halagang P1,000.00 sa Jollibee ng chicken, spaghetti, burger at kung ano-ano pa.

Sa tingin mo ga kabayan ay kaya natin yan sa Ibaan?

Mayroon naman ako nabasa sa https://ifranchise.ph. Sabi naman nila e may nalakad sa P15 milyon hanggang P30 milyon ang prangkisa ng Jollibee. Ay di mas magaling. At kung 10 taon ang “return on investment”, ay di lalong mas magaling. At kung may iba kang kwenta, ayos din.

Are pa. Ay pagsagaling ng Jollibee maghanap ng location, magpapauna ga naman yan sa McDo na magtayo ng store sa Ibaan? Ganun din naman ang McDo. Kung walan man negosyante na mag-invest, di ga naman e nagtatayo ng outlet o store nila mismo ang Jollibee.

Tama naman na kung sino mang nasa administrasyon ay dapat na ipinag-aalok niya ang bayang nasasakupan sa mga investor. Kaso ang investor ay may sarili ding “taste” kumbaga. May sariling basehan, standards, o requirements ang mga iyan. At baka sa kasalukuyan ay hindi pa nila feel ang Ibaan.

Matanong ko laang. Sino ga ang mga nagsisisigaw na dapat mayroong Jollibee sa Ibaan noong 2016 election? Sa aking tanda e mayroon pa silang ipinamigay na tarheta na kumpleto ang foodchain sa Ibaan. Sila siguro ang dapat tanungin at paghanapan natin kung bakit walang Jollibee sa Ibaan. At dahil sila naman ang sumisigaw nyan, ay bakit hindi sila ang magtayo ng Jollibee sa Ibaan. Di ga e mga negosyante iyang si Kon. Cesar Marasigan. At lalong mayamang negosyante iyang si Vice Mayor Joy Salvame. Sila sanang dalawa at mga kasamang konsehal ang manguna sa pagtatayo ng Jollibee sa Ibaan.

Yan baga eh!

Tayka, may iba naman anggulo sa isyu ng Jollibee sa Ibaan. Yan ang ating dudurutin sa susunod.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s