Gaano Kalakas Si Dating Konsehal Venus De Castro Sa Punong Bayan

Sino ga si Venus De Castro?

Si Venus De Castro ay isang retiradong miyembro ng Philippine Air Force na dati ring nagsilbing Hepe ng Security Group ni dating Gov. Vilma Santos.

Matapos iyan, kumandidato siyang Konsehal ng bayan ng Ibaan at nanalo sa ilalim ng tiket ni Mayor Danny Toreja noong 2013. 

Kaso laang e hindi nya nasungit ang ikalawang termino. Natalo siya noong 2016 dahil sa sinubukan nya na baguhin ang ruta ng mga tricycle para maibsan ang nagsisimula nang lumalang traffic sa Ibaan. Kung tutuusin e maganda naman ang intensyon nya. Ayun, diretsong pinulitika, talo tuloy. Pero tanggapin natin ang katotohanan na nagiging problea na ang traffic sa Ibaan. 

Makalipas ang ilang buwan matapos ang May 2016 Election, nakipagusap sya kay Mayor Toreja at na-appoint sya bilang “Security Adviser” ng Ibaan. Pero “Job Order” ang status nya. 

Sa huntahan e bawal pa daw ma-appoint si Col. Venus. Dapat daw e magpalipas muna ng isang taon bago ma-appoint dahil dati siyang elected official bilang Konsehal ng bayan. Huntahan din na ang tinatanggap niyang sweldo ay P1,000.00 isang araw. 

Sa isang banda, pwede naman nga siguro na tumanggap siya ng P1,000.00 dahil “executive position” daw ang hawak nya kumpara sa ibang JO sa munisipyo. Ayun, nadamay ang ibang JO nung pagdiskitahan ng Sangguniang Bayan ang isyu.

Ang siste kasi, hindi naman nagbibigay ng opisyal napahayag ang HR o ang munisipyo tungkol sa status niya at iba pa. 

Ang ginawa nya, binuo at inayos niya ang Traffice Enforcers ng Ibaan. Kaya nag-hire din ang munisipyo ng enforcers, siguro as Job Order din. 

Sa simula, dun sya nag-oopisina sa opisina ng Municipal Adminstrator. May sariling table sya dun. Then nitong mga buwan ng Mayo 2017, lumipat siya sa dating Day Care Center ng Poblacion. Ginawa na niyang opisina yun at nilagyan ng “Municipal Public Order, Safety, And Security Service Office” na tarpaulin sa harapan. At lahat ng Enforcer niya ay may sarili ding table. 

Nagkaroon naman ng SPES o Special Program For Employment Of Students ang munisipyo. Kasama ang isa niyang anak sa na-hire ng muisipyo as SPES. Twenty days lang ang SPES. Pero nung matapos na ang SPES, nag-stay ang kanyang anak at na-hire naman as Job Order for one month. 

Maalala ko, may kasama pa daw na 2 pang nahire ang munisipyo as “consultant” na designated din as Job Order. May nakapagkwento sa atin na iyung isang JO ay nagbiro ay Col. Venus na hihingi din sya ng table kay Mayor. Ang sagot naman daw ni Col. Venus e “Malakas ka ga kay Mayor?”.

Yun ang matindi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s