Estado Ng Munisipalidad Ng Ibaan

July 24, 2017

SONA. Iyan ang tinatawag din na State Of The Nation Address na ginawa ni Pangulog Duterte sa kanyang ikalawang taon bilang Presidente ng Pilipinas. 

Sa SONA, sinasabi ng nakapwesto ang estado ng kanyang nasasakupan. Kasama diyan paglalahad ng estado na kanyang dinatnan at kasalukuyang estado sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kung may tatarukin, ano ang nagawa, isinasagawa, at gagawin pang mga programa base sa estado at mga kaganapan sa nasasakupan na pinaghahatian ng iba’t ibang isyu, sektor, at aspeto . 

Iyun sana ang SONA. Kaunti laang napanood ko sa TV sa SONA ni Duterte, kaya kaunti din laang ang nahagip ko sa mga sinabi niya. 

Maka-eksena nga uli ng kaunti. Ano na ga nga ang estado ng Munisipalidad ng Ibaan? Nausad ga sa pag-unlad? 

Sa totoo laang, medyo mahirap ituring kung naunlad o hindi ang isang bayan. Maraming impormasyon ang kailangan bago makaabot sa isang konklusyon. Dapat ay mayroong istatistika at numero na pwedeng tuntungan sa pagguhit ng kabuuang larawan ng isang bayan. 

Ano naman ang mga impormasyon o istatistika na kailangan? Mayroon ga tayo niyun? 

Kung ang pagbabasehan ng kaunlaran ay ang pagkakaroon ng Jollibee sa isang bayan, malamang sa malamang na sabihin na hindi naunlad ang Ibaan dahil wala tayo niyon. Hindi laang Jollibee ang pwedeng pagbatayan. 

Balikan ko ang sinasabi kong impormasyon. Hindi natin kung mayroon nang komprehensibong hanay ng istatiska ang bayan ng Ibaan. Pero mayroong isa na gusto kong pasadahan. 

Ang pagtaas ga ng budget o koleksyon sa buwis ay salamin ng kaunlaran? Busisiin nga naten ang isang are. 

Sa kanang banda ng istorya, oo, senyales ng kaunlaran ang pagtaas ng koleksyon ng pamahalaang bayan ng Ibaan mula sa mga buwis, permits, at mula sa mga tinatawag na “government enterprise”. Ligtas sigurong sumahin na unti-unti ay nadami ang nagnenegosyo sa Ibaan. Kesyo maliit lang yan o malaking negosyo, negosyo pabrin yan at may naiiambag sa pondo ng bayan. 

Sa kaliwang banda, medya-medya laang. Bakit kamo? Lunukin natin ang katotohanan na hindi lahat ay nagdedeklara ng tamang halaga ng kinitavsa isang taon at tamang halaga ng mga assets kapag nag-aaplay na o nagrerenew ng business permit. Sa mga deklarasyon kasi ibinabase ang halaga ng business o mayor’s permit na binabayaran ng mga negosyante. Lulusot at lulusot pabrin kahit papaano para makamura ng babayaran. 

Sa mga nagdaang taon mula 2010 hanggang ngayong 2017, tumaas daw talaga ang koleksyon at budget ng Ibaan. Kung tama ang hagip natin, mula P70milyon noong 2010 ay tumaas na ito sa hakos P150 milyon ngayong 2017. Paglaki kasi ng koleksyon, paglaki din ng tinatanggap na Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa national government. 

Tama lang na bigyang kredito ang administasyon ni Mayor Toreja at ang kanilang Business Permit And Licensing Office. 

Ang isa pa sana na magandang pagbasehan ng kaunlaran ay kung tumaas ang kabuuang kita ng isang tahanan. Ito ay ang pinagsamang kita ng lahat ng nagtatrabaho sa isang pamilya. Ang tanong uli natin diyan ay kung mayroong ganyang istatistika ang pamalaang bayan ng Ibaan. 

Pag mataas ang kita ng isang tahanan, nataas din ang paggastos o yung “spending” kumbaga. 

“Domino Effect” yan e. Pag malaki ang kita, nalaki din ang gasta at marami ang nabibili. Ito naman yung pagtaas ng “demand” o pagdami ng namimili. Pagtaas ng demand, kailangan naman ng maraming “supply” o pagdami ng mga produkto na binibili. Pagdami ng produktong kailangan, pagtaas naman ng “production” o paggawa ng mga produkto. Kung hindi sapat ang produksyon ng isang negosyante, dyan naman napasok ang iba pang negosyante na maggagawa din ng produkto na hanap at kailangan ng mamimili. Pag nadagdagan ang negosyante, dagdag trabaho at dagdag kita naman sa isang tahanan. 

Malawak na puntong ekonomiya na iyan. Pero madali naman intindihin. 

Kung hindi man sa Ibaan ang mga dagdag na negosyante at negosyo, maaari naman nating dalhin sa punto de vista na taga Ibaan ang nakuha sa trabaho. Basta ang tinutumbok ko dine e kung nadgdagan ang kita ng isang tahanan. 

Ang problema, mukhang wala tayong ganung ka-aacurate na istatistika tungkol dito. Kasi naman, tulad sa una, hindi naman lahat ay willing na magbigay ng kanilang impormasyon ang mga tao. Ang alam ko e nagkaroon na ng house-to-house survey ang munisipyo para sa kanilang Comprehensive Land Use Program (CLUP). Maraming tanong dun. Pati nga kung may TV e tinatanong. Kaso, ang isip agad ng ibang tao e napapangunahan agad ng pulitika. Kesyo binibilang na daw agad ang botante. Kaya ang resulta e hindi talaga magbigay ng accurate na information. E di sablay na agad ang matibay sanang source talaga ng statistics ng Ibaan. Ay di kung ano ang kalabasan, yun na yun. Pwede naman magamit ang information, pero ilagay natin siguro sa 30-40% ang margin of error. Ginawa ng munisipyo ang parte nila. Nakaipagtulungan sana ng maayoe ang lahat para sa mas konkretong istatistika ng Ibaan. 

At kung mayroong istatistika, ipaalam naman sana ng munisipyo sa mga tao ang nilalaman ng mga iyon. Para lahat e makakuha ng punto para maintindihan ang estado ng bayan. 

Mayroon kasing mga pulitiko na pag nakakita ng magtitinda ng fishball, sasabihin agad e hindi naunlad ang Ibaan. Baka mas makwarta pa ang magtitinda ng fishball o ng palamig sa bayan. Dahil kaya ng mga iyan kumita ng P500 hanggang P1,000 sa isang araw kumapara sa isang empleyado na 8 oras sa trabaho, pero P300 lang arawan. 

Marami pa tayo pwede pagbasehan ng pag-unlad ng isang bayan. Ako laang e umay na sa pagta-type. Dagdagan ko na laang are sa susunod. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s