Paksyon Sa Administrasyon

August 5, 2017

Likas sa tao ang pakikipagkaibigan. Kadugtong ng pagkatao ang mga kaibigan. Pagdami ng kaibigan, nabubuo ang isang grupo. Hanggang sa maging isa na itong paksyon hanggang sa magkaroon ng pagkakahati sa loob ng isang organisasyon. Kagaya na lamang ng administrasyon ni Mayor Danny Toreja. 

Hindi siguro alam ni Mayor Toreja. Pero may mga nag-uumpugang paksyon sa ilalim nya. May paksyon na tila “untouchable” dahil “malakas” sa Mayor. Mayroon din namang paksyon na hindi masyado nabibigyan ng pansin. Dahilan para magbanggaan ang “untouchabkes” at “mahina”. 

Mayroon din namang paksyon na “wa pakels” o tahimik lang pero matibay din. 

Sino baga ang mga are. Maeksenahan nga are. 

Ang mga “untouchables” ay binubo ng mga tao sa Office of the Mayor, HR, at Tourism. Ito yung mga pinaniniwalaan at mga sumbungero na kesyo walang ginagawa yung isang paksyon. Ito yung mga nakakasama sa mga field trip kahit wala naman silang kinalaman sa field trip na iyon. Ito yung mga nakakapunta sa seminar sa malalayong lugar na may “Travel Order”. Pero pag malapit lang ay “tauhan” nila ang pinapupunta. Ito yung nagdedesisyon ng sila sila lang para sa lahat. Ultimong uniform ay sila ay ang nangdedesisyon ng hindi man lamang tinatanong ang mga empleyado kung auos baga sa kanila ang design o kulay man lang. Ito yung mabilis pa sa alas-kwatro na nakukuha ang “request” na mga equipment, gamit, o kung ano-ano pa. Ito yung hindi napapansin o pinapansin kahit wala o hindi pumasok kesyo nasa “official business” daw. 

Yun namang “mahina”, ito yung silip na silip pag wala. Ito yung inaabot ng taon bago maibigay ang request. Ito yung etsa-pwera sa mga eksena pero patataihin ng dugo pag nagkabiglaan at nagkagipitan na. Ito yung madalas mabungangaan ng Mayor pag naisumbong na walang ginagawa. Ito yung laging pinaghahanapan. 

Yung “tahimik” naman, ito yung tahimik nga lang. Yung tipong “bahala kayo dyan”. Pero madalasna naiisumbong ng mga “untouchables” na walang ginagawa. Ito yung nakakapagdeliver naman ng trabaho pero lagi naman sinisilip ang sweldo. Ito yung mga hindi daw “worthy” sa tinatanggap na sweldo”. 

Sabagay, pagalingan lang naman yan ng pagpapakitang gilas sa amo. Ika nga e, pagalingan sa pagpapabida. At sa ganang aken, kung paano sila tinitingnan ng amo ang nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng mga paksyon. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s